P.A.M.A.H.I.I.N
(a Filipino Cultural Practice)
"PAMAHIIN" salitang tumutukoy sa paniniwala ng mga Pilipino na may kaugnay sa katutubong paniniwala. Parte na ng buhay ng bawat Pilipino ang mga pamahiin dahil mula pagkasilang ay mayroon ng sinusunod na ibang klaseng paniniwala upang matamo ang "magandang resulta". Isang halimbawa ng pamahiin sa rehyon ng Ilocos sa Hilagang parte ng bansang Pilipinas ay ang tinatawag na "atang" ang kaugaliang ito ay tumutukoy sa pag-aalay ng kahit na anumang pagkain at inumin para sa mga hindi nakikitang nilalang sa paligid at para na rin sa mga yumaong kamag-anak. Naniniwala ang mga Ilokano na kapag ikaw ay "nag-atang" ay matutuwa ang iyong inalayan at gagabayan ka ng mga ito sa anumang sakuna at magbibigay sila ng swerte sa iyo. Bakit patuloy at buhay na buhay pa rin ang mga ganitong gawain?! yan marahil ang tanong mo kapag napapansin mong,"non-sense" ang mga bagay na ito. Bahagyang mahilig maniwala sa ganyang bagay ang mga Pilipino dahil marahil ay totoo ang ilan. Kapag napapasubo ang isang tao kapag may nalaman siyang ganoong pamahiin ay nasasabi na lamang niyang, "wala namang mawawala". Kung sa bagay mas mabuti nang sigurado basta't wala namang nawawala sa iyo. Kung tutuusin ay dito lamang sa ating bansa mayroong ganyang gawain (maliban na lamang kung may mga Pilipinong mas piniling manirahan sa ibang bansa at patuloy pa ring ginagawa ang mga ito.), kung ikaw ay pupunta sa ibang bansa ay talaga namang hindi mo makikita ang ganitong paniniwala. Ang ganitong paniniwala ay parte ng ating kultura at tradisyon na ating minana sa ating mga ninuno mula sa kanilang sinaunang kaugalian.Animism ang tawag dito kung saan tayo ay naniniwala sa mga espirito ng kalikasan.Sumasamba din tayo sa kalikasan kung saan nagdulot ito ng paniniwala na mayroong mga nilalang na nakapaligid dito.Wala namang masama kung atin pa ring patuloy na tangkilikin ang ganitong kaugalian ngunit atin sanang siguruhin muna kung nakakatulong at nakakabuti ba ito sa ating lahat.
Ang ating relihyon,kultura at tradisyon ay pinaghalong "katutubo" at "makabago" at iyan ay hindi lamang talamak na nangingibabaw sa ating bansa kundi marami din diyan sa ibang bansa tulad in India at Malaysia.Isang patunay na hindi kailanman pinalitan o sinapawan ng makabagong paniniwala ang ating mga sinaunang paniniwala,samakatwid ay naihalo lamang ito at naging iisa ngunit hindi purong paniniwala. Sa kabilang banda ay matutunan sana nating pahalagahan ang sariling atin. Ang PAMAHIIN ay isang diyamante ng ating kultura't tradisyon. Panatilihin sana ito at alagaan hangga't wala namang naidudulot na sakuna sa sarili at sa ibang tao. ☺